Mga gurong sangkot sa mga kaso ng pangmomolestiya sa mga estudyante, hindi na dapat payagang makapagturo sa ibang paaralan

Umapela si Senator Risa Hontiveros na pagbawalan na magturo sa ibang paaralan ang mga guro na sangkot sa pangmomolestiya sa kanilang mga mag-aaral.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, tinukoy ni Hontiveros ang isang teacher-predator na nagbitiw sa St. Theresa’s College Quezon City (STCQC) noong 2016 na lumipat lang sa Angeles University Foundation (AUF) noong school year 2019-2020.

Sa parehong paaralan ay kinumpirma ng mga biktima ang grooming at sexual advances na ginawa sa kanila ng nasabing guro.


Naalarma si Hontiveros dahil sa kasalukuyan ay walang mahigpit na patakaran na nagbabawal sa isang indibidwal na nagbitiw sa tungkulin o na-dismiss dahil sa sexual na pang-aabuso na makapag-apply sa ibang paaralan.

Iminungkahi ng senadora na gayahin ng gobyerno ang mekanismo ng Australia na “Working with Children Check” na isang karagdagang layer ng screening para sa mga empleyado na layong mapigilan ang mga abusers sa paulit-ulit na pang-aabuso sa iba’t ibang mga paaralan.

Facebook Comments