PNP-ACG, mas palalakasin pa ang cyber patrolling ngayong talamak ang text scam

68

Doble-kayod ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG) sa paglaban sa mga naglipanang text scam.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nakapag-usap na sila ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Joel Doria at natalakay rito ang pagpapalakas sa kanilang cyber patrolling.

Ani Fajardo, batid nila ang pangamba ng publiko sa text scam na ngayon ay personalized pa kaya naman iniimbestigahan na nila ito.


Aniya, posibleng organized group ang nasa likod ng pagpapakalat ng text scam dahil text blast ang ginagawa ng mga ito.

Sa ngayon, nakapag-apply na ang PNP ng cyber warrant.

Naghihintay na lamang sila ng tugon mula sa judicial authorities para tuluyang malaman at mabuksan ang mga numero na responsible sa pagpapakalat ng text scam.



Facebook Comments