Mga gusali ng DOJ sa Mindanao, pinasusuri na kasunod ng malakas na lindol kahapon

Agad na nakipag-ugnayan ang DOJ sa kanilang mga regional prosecutors para alamin ang kalagayan ng kanilang mga tauhan at ng mga gusali ng Justice Department sa Mindanao matapos ang malakas na lindol doon kahapon.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, inabisuhan niya ang kanilang mga prosecutor sa Mindanao partikular sa Davao na   sundin ang mga direktiba ng mga building officials na pansamantalang tigil ang trabaho sa halls of Justice at iba pang opisina ng kanilang mga piskal na apektado ng pagyanig.

Nais ng Kalihim na masiguro na ligtas ang lahat ng kanilang mga pasilidad bago pabalikin trabaho ang mga kawani ng DOJ sa mga apektadong lugar.


Tiniyak naman ni Sec. Guevarra na wala namang magiging malaking pagkaantala sa kanilang mga trabaho ang epekto ng lindol.

Inaalam na rin ng DOJ kung gaano karami sa kanilang mga kawani sa Mindanao ang naapektuhan ng pagyanig.

Facebook Comments