Naniniwala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na substandard ang pagkakagawa ng mga gusaling nasira ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang mga dekalidad na istratura ay dapat kayanin ang hanggang intensity 8 na pagyanig.
Nakasaad sa National Building Code at National Structural Code of the Philippines, ang mga gusaling itinayo gamit ng concrete hollowblocks ay hindi bababa sa anim na pulgada ang kapal.
Ang reinforced steel bars na nagsisilbing suporta ng mga hollowblocks ay dapat may lapad na 10 Millimeters at may agwat na hindi lalayo sa 40 Centimeters.
Facebook Comments