Mga gustong magpabakuna sa binuksang vaccination site ng isang fast-food chain sa Quezon City, matumal

54

Naging matumal ang bakunahan sa 3-day Vaccination drive na isinasagawa sa isang
fast-food chain sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Kahapon kasi, halos nasa 50 percent lang ang nagpabakuna mula sa target na 200 kada-araw.

Kakaunti lang ang dumarating at karamihan ay mga magpapa-booster shot.


Hindi naman masabi ng fast-food chain kung bakit matumal.

Paghahanda lang kasi sa venue ang kanilang parte sa aktibidad habang sa Local Government Unit (LGU) ang information dissemination ayon sa mga residente habang ang Department of Health (DOH) ang mga vaccinator.

15 branch ng fast-food ang nagbukas ng vaccination venue sa pakikipagtulungan ng DOH kung saan apat na sangay nila sa Quezon City ang nag-alok ng kanilang venue sa 3-day vaccination.



Facebook Comments