Mga hakbang kaugnay sa 2022 elections, ititigil muna ng UNA sa harap ng tumataas na kaso ng COVID Delta variant

Nagpasya ang United Nationalist Alliance o UNA na ihinto muna ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa politika pati ang pakikipag-usap para sa pagbuo ng alyansa o coalition para sa 2022 elections.

Ayon kay UNA President Senator Nancy Binay, desisyon ito ng partido sa harap ng patuloy na epekto sa buhay at ekonomiya ng COVID-19 pandemic at pagkalat sa bansa ng mas delikadong Delta variant.

Ayon kay Binay, para sa UNA ay hindi akma na iprayoridad ang electoral agenda habang ang mamamayan ay nasa delikadong sitwasyon dahil sa tumataas na kaso ng Delta variant sa bansa.


Paliwanag pa ni Binay, nakakapagpalala sa public health issue ang politika at nakakahadlang din sa antas ng pagtugon sa pandemya.

Bunsod nito ay binigyang diin ni Binay na mas nais ng UNA na makatulong sa paglaban sa pandemya at sa pagbibigay ng proteksyon sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan sa halip na atupagin ang susunod na halalan.

Facebook Comments