Mga hakbang kaugnay sa Cha-Cha, dapat pag-usapang munang mabuti ng mga Senador

Isinulong ni Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Francis “Kiko” Pangilinan na talakayin sa caucus ng mga Senador ang dapat nilang hakbang kaugnay sa pagbuhay sa Charter Change (Cha-Cha).

Sa harap ito ng paghahain ng resolusyon na mag-convene ang 18th Congress bilang Constituent Assembly para amyendahan ang ilang economic provision sa konstitusyon.

Ayon kay Pangilinan, kabilang sa mga isyu na dapat talakayin ng mga Senador ay ang timing ng pag-amyenda sa Saligang-Batas.


Diin ni Pangilinan, dapat ikonsidera na nahaharap ngayon ang bansa sa health at economic crisis bunga ng COVID 19 pandemic.

Giit pa ni Pangilinan, kailangan ding pag-usapan kung boboto ba ng magkahiwalay o magkasama ang Senado at Kamara para sa Cha-Cha sa oras na mag-convene sila bilang Constituent Assembly.

Facebook Comments