San Sebastian Church at The Nazarene Catholic School nagsasagawa rin ng misa para sa kapistahan ng Itim na Nazareno

35

Bukod sa misang ginaganap sa Quiapo Church o Minor Basilica of the Black Nazarene ay nagsasagawa rin ng misa ang San Sebastian Church at ang The Nazarene Catholic School, para sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Para sa mga deboto ng Black Nazarene, ay maari silang dumalo sa misa sa San Sebastian Church mamayang alas kwatro ng hapon at alas singko y media ng hapon.


Kaninang alas nuwebe at alas dose naman ay nagdaos na ng misa sa The Nazarene Catholic School at mayroong pang misa mamayang alas tres ng hapon.

Samantala, nagpapasalamat naman si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga deboto ng itim na Nazareno na sumusunod sa public health protocols para makaiwas na dapuan ng COVID-19.

Patuloy ang paalala ni Domagoso sa lahat ng deboto na magsuot ng face masks, face shields at sikaping sumunod sa physical distancing.

Facebook Comments