Mga hakbang laban at paraan ng pag-iingat laban sa coronavirus, inilatag ng isang senador

Manila, Philippines – Pinakilos ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang Department of Health o DOH at Department of Transportation o DOTr para paigtingin ang mga hakbang laban sa bagong coronavirus na sakit.

Ayon kay Go, dapat mas higpitan ng DOH at DOTr ang scanning procedures sa lahat ng mga international airports sa bansa, lalong lalo na ang may direct flights mula mainland China, Hong Kong at Macau.

Paliwanag pa ni Go, higit na kailangan ang ibayong paghihigpit dahil ngayong January 25 ay Lunar New Year holiday sa China at inaasahan na milyon milyong mga Chinese ang magbibiyahe.


Hiniling din ni Go sa DOH na pag-ibayuhin pa ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa coronavirus.

Nananawagan din si Go sa publiko na maging mapagmatyag at alamin ang mga sintomas ng sakit na ito.

Mahigpit na paalala ni Go ang pagpapanatili ng kalinisan lalo na sa mga  kamay, at iwasang humawak ng mga buhay na hayop na maaaring panggalingan ng coronavirus.

Ayon kay Go, ang mga airline companies ay dapat makipag-ugnayan palagi sa ating mga otoridad, katulad ng Bureau of Quarantine ng DOH para sa pagpapatupad ng istriktong quarantine protocols, lalo na at may tatlong turistang mula China na nakakitaan ng sintomas paglapag nila sa Kalibo Airport.

Facebook Comments