PRRD, may payo sa bawat PMA Alumni

63

Hindi natatapos sa pagre-retiro ang serbisyo ng mga PMAer sa kanilang sinumpaang tungkuling.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general meeting ng Philippine Military Academy Alumni Association kagabi.


Sa katunayan ayon sa Pangulo, simula pa lamang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay, na posibleng mas demanding pa kumpara noong nasa serbisyo pa lamang ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, may kinalaman man sa public governance o private matter ang papel na gagampanan ng mga PMAer matapos ang kanilang pagre-retiro, ang mahalaga ay hindi masasayang ang talento, expertise at kasanayan ng bawat PMA Alumni, at naitatabi ito para magamit ng Pilipinas sakaling kailanganin ng pagkakataon.

Facebook Comments