Iginiit ni Senate President Tito Sotto III sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) na paigtingin ang mga hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19 upang mapigilan na madagdagan ang kaso ng Delta variant na higit na delikado.
Giit ni SP Sotto, dapat handa na ang ating gobyerno sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases na dulot ng Delta variant, dapat nakalatag na ang response measures at handa na ang ating mga healthcare facilities at workers.
Iminungkahi rin ni SP Sotto ang paghihigpit sa mga mass gatherings o mga event na pwedeng maging sanhi ng mabilis na pagkalat ng virus.
Suportado rin ni SP Sotto ang rekomendasyon ng 17 alkalde ng Metro Manila na itigil muna ang pahintulot na makalabas ang mga batang limang taong gulang pataas.
Aminado si SP Sotto, mahalagang ituloy natin ang economic recovery ng ating bansa pero dapat siguraduhin ang proteksyon ng mamamalayan laban sa COVID-19.