Pag-IBIG Fund, naglunsad ng virtual offices sa US, Europe, Middle East at Singapore

66

Naglunsad ang Pag-IBIG Fund ng virtual offices para sa overseas Filipinos sa Amerika, Canada, United Kingdom, Ireland, United Arab Emirates, Kuwait at Singapore.

Nagsimula ang operasyon ng naturang virtual offices ng Pag-IBIG nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.


Ang naturang mga tanggapan ng Pag-IBIG ay bukas sa business hours.

Ayon kay Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development, sa pamamagitan ng kanilang virtual offices, mailalapit nila ngayon ang serbisyo ng Pag-IBIG Fund sa OFWs.

Tugon din aniya ito sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang pagbibigay ng sebisyo sa publiko.

Facebook Comments