Pinadodoble ng Department of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) sa buong bansa ang kanilang mga hakbang laban sa Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosairo Vergeire, ipinag-utos na nila sa lahat ng mga alkalde ang istrikong border control, pagpapalakas ng kanilang detection at isolation gayundin ang COVID-19 vaccination.
Aniya, makakabuting iturok na rin sa mga tao lalo na sa mga kasama sa priority list ang kanilang supply na mga bakuna.
Giit ni Vergeire, kailangang gawin ang mga nabanggit na hakbang at huwag ng bigyan ng tyansa na kumalat at dumami pa ang kaso ng iba’t ibang variant sa bansa.
Facebook Comments