Mga hakbang para maitiyak na mananaig ang rule of law sa bansa, tinukoy ng DOJ

Inilatag ng Department of Justice (DOJ) sa Senado ang legislative agenda ng DOJ.

Tinukoy ni Justice Secretary Crispin Remulla ang limang pangunahing legislative measure ng DOJ na nais nito na maisabatas.

Kabilang sa prayoridad ng DOJ ang panukalang modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI).


Nais din ni Remulla na palakasin at mapalawak sa buong bansa ang witness protection program.

Gayundin, ang pag-amyenda sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang pagpasa sa Criminal Investigation law.

Naniniwala si Remulla na urgent na mapagtibay na batas ang mga nasabing panukala para maitiyak na manaig ang rule of law sa bansa.

Facebook Comments