Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, patuloy sa pagbaba

33

Mula sa 108 active cases kamakailan, nasa 73 na lamang ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ng 12 na bagong kaso ngayong araw at 9 na reinfection.

Sa kasalukuyan, nasa 49,420 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa pambansang pulisya habang 49, 218 ang gumaling dahil sa 28 bagong recoveries at 129 naman ang kabuuang nasawi.


Samantala, pumalo na sa 99.74% ang fully vaccinated sa PNP, 0.05% ang partially vaccinated at 99.06% naman ang nakatanggap na ng booster shots.

Facebook Comments