Mga hakbang para mapanatiling matatag ang presyo at suplay ng isda sa pamilihan, inilatag ng BFAR

Naglatag ng mga hakbang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para manatiling matatag ang presyo at suplay ng isda sa pamilihan.

Ayon kay BFAR Spokesperson at Head, Information and Fisherfolk Coordination Unit Nazario Briguera, nakadepende sa law of supply and demand ang magiging presyo ng isda.

Kaya naman titiyakin aniya ng pamahalaan na tuloy-tuloy ang programa sa aquaculture development.


Paliwanag ni Briguera, kailangan aniyang mas lumawak pa ang growing areas ng mga isda at magdagdag ng marine culture park dahil ito ang magbibigay ng sapat na suplay para sa aquaculture commodities.

Dagdag pa ni Briguera, bibigyan din ng BFAR ang mga mangingisda ng mas malalaking bangka upang makapagpalaot ang mga ito nang mas malayo at madagdagan ang mga mahuhuling isda.

Facebook Comments