Sen. Bato dela Rosa, magpapaputol ng leeg kung mapatunayan ni Lascañas na si VP Sara Duterte ang utak ng “Oplan Tokhang”

Handa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magpaputol ng leeg kung mapatunayan ni dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas na si Vice President Sara Duterte ang utak ng “Oplan Tokhang” noong alkalde pa ito ng Davao City.

Ayon kay Dela Rosa, agad siyang magpapaputol ng leeg sakaling maipakita na si VP Sara nga ang nasa likod ng Oplan Tokhang.

Nagtataka naman si Dela Rosa sa pabago-bagong akusasyon ni Lascañas na ngayon ay bise presidente naman ang dinadawit sa kontrobersiya.


Duda ang senador na posibleng may nasa likod ng biglang paglutang ni Lascañas at sumakto pa aniya ito kung kelan mainit ang usapin sa People’s Initiative.

Tanong tuloy ni Dela Rosa kay Lascañas kung ang mga sinasabi ba nito ay depende sa kung sino ang nagbabayad at sino ang gustong idiin sa isyu.

Sinabi rin ng mambabatas na alam niya kung sino ang nag-utos kay Lascañas at sa tamang panahon ay malalaman din kung sino iyon.

Facebook Comments