Mga hakbang para matugunan ang patuloy na tumataas na presyo ng langis, inilatag ng isang senador

Inaasahan ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bunga ito ng lumolobong demand sa langis bunga ng pagbubukas ng ekonomiya at gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan ang Russia ay isa sa pangunahing oil and gas supplier sa buong mundo.

Dahil dito ay nagmungkahi si Gatchalian ng mga hakbang para matugunan natin ang patuloy na oil price increase.


Unang binanggit ni Gatchalian ang pagbibigay ng Pantawid Pasada sa driver ng pampublikong transportasyon kung saan mainam na gamitin ang e-wallet sa pagkakaloob ng ayuda.

Suhestyon ni Gatchalian, isama sa Pantawid Pasada Program ang mga nagbabyahe ng pagkain.

Pinapabuo din ni Gatchalian ang Department of Energy (DOE) ng contigency plans sakaling magkaroon ng problema sa suplay ng petroleum products.

Diin ni Gatchalian, kailangang mahigpit na bantayan ng pambalaan ang global oil prices na maari pang higit na tumaas sa mga susunod na buwan.

Para kay Gatchalian, maaaring panghuling solusyon ang pagsuspinde sa excise taxes na ipinapataw sa langis.

Facebook Comments