Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maisasalya sa lalong madaling panahon ang mga plano at hakbang upang mapanatiling mura at abot-kaya ang presyo ng kuryente sa bansa.
Ito ang naging buod ng isinagawang pagpupulong sa pagitan ng ERC at National Economic and Development Authority (NEDA) kamakailan.
Dito, tinalakay ang pagbalangkas ng panukalang Electricity Affordability Index na naglalayong bigyan ang mga ahensya sa sektor ng enerhiya ng malinaw na perspektiba sa kung paano tumutugon ang mga konsyumer sa pagbabayad ng kanilang bill.
Laman ng Electricity Affordability Index ang pinagsama-samang datos na kinalap mula sa electric power industry at ng mga datos na inihanda ng NEDA gayundin ng mga attached agency nito.
Nagkasundo sina ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta at NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kanilang pagtutulungan ang pagbalangkas ng work plan, timeline at output para sa nasabing inisyatiba.