SRA, target na maibenta sa Kadiwa store ang asukal sa susunod na buwan

Target ngayon ng Sugar Regulatory Administration o SRA na maibenta sa buwan ng Mayo sa Kadiwa stores ang mga nasamsam na smuggled na asukal.

Ayon kay SRA Board Member Ablo Azcona, tinatayang aabot sa 4,000 metric tons ng smuggled refined sugar ang maibebenta sa Kadiwa stores sa susunod na buwan.

Matatandaan na inilunsad ang Government Store Program noong nakalipas na taon na layung direktang maibenta dito ang mga agricultural products ng mga magsasaka sa abot-kayang halaga.


Una nang inihayag ni Azcona na itatakda ang suggested retail price ng refined sugar sa ₱85 bawat kilo sakaling maihatid na sa mga merkado ang mga imported na asukal.

Facebook Comments