Mga Hanay ng Pulisya sa Region 02, Sumailalim sa COVID-19 Rapid Test!

Cauayan City, Isabela- Isinailalim na sa Mass Rapid Testing sa COVID-19 ang nasa 256 na mga PNP Personnel ng Police Regional Office No. 2 bilang bahagi ng precautionary measure at matiyak na maiiwas ang mga ito sa nakamamatay na sakit.

Ito ang kinumpirma ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro sa kanyang pagbisita sa inilunsad na ‘All-Women City Mobile Force Company’ sa Lungsod ng Santiago.

Ayon kay RD Casimiro, hinihintay pa ang nasa 500 testing kits na magmumula sa Hongkong na siyang gagamitin ng nasa natitirang 246 at 111 na irerecall na junior at senior leadership.


Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na ang PRO-2 pagkaraan na maisagawa ang mga pagsasailalim sa mga ito ay isusunod namang isasailalim ang mga kapulisan sa bawat istasyon ng pulisya sa rehiyon.

Giit pa niya, walang sapat na pondo ang PRO-2 para makabili ng testing kits na 7,896 o katumbas ng mahigit sa P7.8 Million pesos.

Uunahin aniya na maisailalim sa rapid test ang mga nakatalaga sa mga checkpoint dahil ito ang mga pangunahing posibleng makakuha ng sakit.

Bago ito, sasailalim din ang mga ito sa 14-days quarantine pagkaraan ng nasabing rapid test.

Tiniyak naman ni RD Casimiro ang mahigpit na pagpapatupad ng batas habang umiiral ang ‘new normal’ o General Community Quarantine sa rehiyon.

Facebook Comments