Manila, Philippines Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Heads of State ng ASEAN na makipagtulungan sa ASEAN Business Advisory Council o ABAC.
Ito ay para sa pagpapaunlad ng MSMEs o micro-small and medium enterprises ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan sa pagpapaunlad ng ekonomiya at kontribusyon ng mga MSMEs sa mga bansa sa Asya.
Hinimok ni Duterte ang mga ASEAN leaders na gamitin ang kapangyarihan at kanilang matututunan para maibahagi sa pagpapaunlad ng mga malilit na negosyo.
Inilatag din ni Duterte ang mga economic agenda tulad ng inclusive business and environment para sa pagpapaunlad ng mga MSMEs.
Nauna dito ay nagpasalamat din si ABAC Chair Joey Concepcion sa pagkakasama at pagkilala sa kanila ng 31st ASEAN Summit at ang kahalagahan ng mga MSMEs.
Myanmar State Counselor Sung San Suu Kyi
Indonesia Pres Joko Widodo
Business tycoon leaders
Jaime Agusto Zobel de Ayala
Manny Pangilinan