Common law wife ni Pangulong Duterte na si Honeylet, ipinasyal ang mga spouses ng ilang heads of state

234

Manila, Philippines – Naging abala din sa 31st ASEAN Summit ang common law wife ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ipinasyal ni Honeylet ang mga first spouses ng mga heads of state habang may mga sariling aktibidad ang mga ito.

Unang inilibot ni Avancena sa jewel display sa Cultural Center of the Philippines o CCP ang mga misis ng mga lider ng ASEAN kung saan tampok ang mga replika ng mga alahas at mga litrato mula sa limampung taong pagsasagawa ng ASEAN.

Kabilang sa mga kasama ni Avanceña ay sina Rosmah Mansor ng Malaysia, Ho Ching ng Singapore at Naraporn Chan-o-cha ng Thailand.

Maliban sa exhibit, dinala din niya ang mga first spouses sa Manila Hotel upang doon mananghalian at mayroon ding pupuntahang fashion show.

Nauna nang kinumpirma ng Palasyo na mamahagi si Avanceña ng mga tsokolate mula Davao City sa mga asawa ng world leaders.

Facebook Comments