Mga health workers na maaapektuhan ng deployment ban, dapat tulungan ng gobyerno

Ayon kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva, hindi absolute ang right to travel at may mga pagkakataon na maaaring suspendehin ng pamahalaan ang pagbiyahe sa ibang bansa ng mga medical personnel.

Gayunpaman, hinikayat ni Villanueva ang gobyerno na pag-aralang mabuti ang bagong polisiya lalo na ang magiging epekto nito sa Filipino healthcare workers na may mga kontrata sa abroad at nagbakasyon lang saglit dito sa Pilipinas.

Pinapakilos din ni Villanueva ang Department of Labor and Employment para tiyakin na mabibigyan ng karampatang kompensasyon ang mga health workers na tinamaan ng deployment ban.


Kinalampag din ni Villanueva ang department of foreign affairs para makipag-ugnayan sa employers sa ibang bansa ng nabanggit na mga health workers para masiguro na may babalikan pa silang trabaho sa oras na alisin na ang deployment ban.

Giit ni Villanueva, kung walang mahusay na programa na nailatag ang gobyerno para sa mga healthcare workers na may kontrata na sa aboad ay mainam na hayaan na lang silang makalabas ng bansa.

Facebook Comments