Mga health workers ng Muntinlupa na nabakunahan laban sa COVID-19, umabot na ng 5,926

Inihayag ng local government ng Muntinlupa City na tapos nang mabakunahan laban sa COVID-19 ang lahat ng health workers ng lungsod.

Ayon kay Dra. Maria Rochelle, Muntinlupa – National Immunization Program Coordinator for COVID-19 umabot ng 5,926 na mga health workers ng Muntinlupa na mula primary public at private hospitals na nangangalaga ng pasyente ng COVID-19 ang naturukan na ng Sinovac at AstraZeneca vaccines.

Aniya, kabilang dito ang mga ospital ng lungsod tulad ng Ospital ng Muntinlupa, Asian Hospital and Medical Center, Medical Center Muntinlupa, at iba pang private hospitals.


Nagpapatuloy pa rin aniya ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 pero para naman ito sa 269 na members ng barangay health emergency teams at contact tracers, kung saan 37% nito ay tapos na rin mabakuhan kahapon.

Facebook Comments