Mga healthcare worker, nagkilos -protesta sa DBM

Nagtungo sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) ang grupo ng healthcare workers mula pribadong hospital para magkasa ng kilos-protesta.

Ito’y upang ipanawagan ang matagal nang hindi naibibigay na health emergency allowance mula pa noong kasagsagan at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Giit ng grupo, ikinalulungkot nila ang mabagal na proseso sa paglalabas ng naturang allowance lalo na’t nasa P62 bilyon ang pondo para dito.


Napag-alaman pa nila na aabutin ng taong 2026 para maipamahagi ang Health Emergency Allowance kaya’t nananawagan sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agad sana itong ibigay para sa kanilang kapakanan lalo na’t una niya itong ipinangako.

Nais din nilang makipag-dayalogo sa mga opisyal ng DBM para malaman ang estado ng paglalabas ng allowance sa mga katulad nilang empleyado ng pribadong hospital.

Facebook Comments