𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗡𝗔𝗔𝗔𝗚𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡

Natagpuang patay ang Isang singkwenta anyos na lalaki sa bayan ng San Fabian.
Ang biktima ay nakilalang si Ariel Atienza residente ng brgy Bolasi sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon nakitang nakahandusay sa banyo ng kanyang bahay ang biktima na wala ng buhay at malapit ng maagnas.
Sinasabing mag Isang naninirahan ang biktima kung saan ay dumaranas na ito ng karamdaman at madalas umanong makitang lasing.
Pininiwalang ang Pag atake ng sakit nitong epilepsy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments