Mga healthcare worker sa bansa na nasawi dahil sa COVID-19, pumalo na sa higit 100

Pumalo na sa 105 ang mga healthcare worker sa bansa na nasawi dahil sa COVID-19 mula noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 25,214 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa mga healthcare worker.

Sa nasabing bilang naman, 24,648 ang nakarekober na mula sa COVID-19 o katumbas ng halos 98 porsyentong recovery rate.


Habang 461 naman ang nananatiling aktibong kaso kung saan 255 dito ang nakakaranas ng mild na sintomas, 156 ang asymptomatic at 20 ang severe, siyam ang kritikal at isa ang may moderate symptoms.

Facebook Comments