Publiko, hindi dapat mawalan ng kumpiyansa sa COVID-19 vaccines dahil sa breakthrough infections

44

Hindi dapat mawalan ng kumpiyansa ang publiko sa mga bakuna kontra COVID-19 kahit may mga naiitala pa ring breakthrough infections o nahahawa kahit fully vaccinated na.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, mababang porsyento lamang naman ang mga bakunadong tinamaan pa rin ng COVID-19 mula sa milyon-milyong naturukan na sa buong bansa.


Malaking tulong pa rin aniya ang bakuna kahit hindi 100 porsyento ang pagiging epektibo nito.

Paliwanag pa ni Domingo, napipigilan ng COVID-19 vaccine ang pagkakaroon ng mas malalang kaso sa mga nagpositibo sa virus.

Facebook Comments