Mga healthcare worker sa Cagayan De Oro, sinimulan nang turukan ng COVID-19 booster shot

24

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang pagbibigay ng ‘booster shot’ para sa A1 category o mga medical health frontliners ng JR Borja General Hospital o JRBGH.

Mismong si DOH Regional Director Jose Llacuna Jr. Asst. Regional Director Ellenieta Gamolo at Dr. William Bernardo, Acting City Health Officer ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Kabilang sa unang nakatanggap ng booster shot si JRBGH Chief of Hospital Dr. Ramon Moreno, Dr. Teodoro Yu Jr. ng City Health Office at ang mga medical doctors and nurses ng JRBGH.


Facebook Comments