Mga hepe ng pulis sa lalawigan ng Iloilo, binigyan ng 15 araw na ultimatum upang sugpuin ang illegal na sugal sa kanilang nasasakupan

Iloilo City – Binigyan ng 15 araw na ultimatum ng pamunuan ng Iloilo Provincial Police Office ang mga hepe ng pulis sa mga bayan sa lalawigan ng Iloilo upang sugpuin ang laganap na operasyon ng iligal na sugal.

Sinabi ni Iloilo Provincial Police Office Director Sr. Supt. Marlon Tayaba na laganap pa rin ang iligal na sugal sa lalawigan ng Iloilo kahit na meron nang legal na operasyon ng Small Town Lottery o STL.

Ayon sa kanya, maaring ma-relieve ang mga hepe ng pulis gayundin ang mga tauhan nito sakaling mabigo ang mga ito na sugpuin ang illegal na sugal sa kanilang nasasakupan sa loob ng 15 araw na ibinigay sa kanila na ultimatum.


Dagdag pa ng opisyal na patuloy pa nilang vina-validate ang report na may anim na illegal gambling operators na nag-ooperate sa lalawigan ng Iloilo.

Facebook Comments