Mga high level drug convicts, dapat ihiwalay ng kulungan

Manila, Philippines – Inihain ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill number 2 na nagtatakda na magkaroon ng hiwalay na bilangguan ang mga mahahatulang guilty bilang drug lords at drug trafficker.

Ang panukala ni Sotto ay tugon sa report na nagpapatuloy pa rin sa kanilang oeprasyon kaugnay sa ilegal na droga ang mga drug lords kahit nasa loob na sila ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons.

Inaatasan ng panukala ni Sotto ang Bureau of Corrections (BuCor) na magtayo ng anti-drug penal institution sa lugar na walang naninirahan at malayo sa kabihasnan.


Sa loob nito ay titiyakin na hindi makakakontak sa kanilang mga kasabwat o tauhan sa labas ng kulungan ang mga high level illegal drug offender para masiguro na hindi na sila makapagpapatuloy sa ilegal na operasyon.

Nais naman ni Sotto na maihiwalay din ang mga drug convicts na matutukoy na drug dependent o adik sa droga para maisailalim sa rehabilitasyon.

Facebook Comments