Mga high profile inmates sa Bilibid, naibalik na sa maximum security compound

NBP – Naibalik na ang mga high profile inmates sa Building 14 o Maximum Security Compound.

Ito ang kinumpirma ni Justice Undersecretary Erickson Balmes.

Kabilang sa mga nailipat na ay sina: Rico Caja, Joel Capones at Jojo Baligad na inilipat mula sa medium security compound patungong cell 23; Benjamin Marcelo at Sam Lee Chua sa cell 24; Hanz Anton Tan, Che Kit Chua ay inilagay naman sa cell 25; habang sina Peter Co at Vicente sy ay inilipat sa cell 26.


Si jaybee sebastian naman ay nasa cell 9 na sa mga oras na ito.

Facebook Comments