Mga hindi nabakunahan ngayong araw sa Navotas, pinaaantabay sa susunod na schedule

Dahil sa sama ng panahong dala ng Bagyong Jolina, pinayuhan ang mga residente na hindi natuloy ang bakunahan ngayong araw na antabayanan ang susunod na schedule.

Ngayong araw ay ipinagpaliban na muna ang bakunahan sa lahat ng mga vaccination sites sa lungsod.

Sa may Tanza Elementary School kanina ay tinapos lamang na bakunahan ang mga residenteng maagang pumunta sa site habang ang iba ay pinauwi na.


Ayon sa Navotas Local Government Unit (LGU), iaanunsyo na lamang nila ang rescheduling at mga susunod na vaccination schedules.

Gayundin ay kinansela rin kaninang hapon ang RT-PCR swab testing sa Navotas Sports Complex.

Inaasahang magbabalik bukas ang RT-PCR swab testing sa lungsod kapag maayos na ang panahon.



Facebook Comments