PDP-Laban, magpapatuloy sa pagkumbinsi kay Sen. Go na tanggapin ang nominasyon ng partido upang magsilbing standard bearer

Hindi magsasawa ang PDP-Laban sa pagkumbinsi kay Sen. Bong Go upang tanggapin nito ang nominasyon bilang presidential bet ng partido.

Ayon kay PDP-Laban Exececutive Vice President Karlo Alexi Nograles, bibigyan nila ng sapat na panahon ang senador upang makapag-isip.

Mayroon aniyang hanggang October 8 o hanggang sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) si Senator Go upang pag-isipan ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa eleksyon 2022.


Naniniwala ang partido na “best candidate” si Sen. Go sa pagka-pangulo at magiging “best pair” sila ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pamunuan ang bansa.

Kanina, matapos na pormal na i-nominate bilang presidential bet ng PDP-Laban, naglabas ng pahayag ang senador kung saan nagpapasalamat ito sa tiwala ng partido pero hindi niya matatanggap ang naturang nominasyon.

Sinabi ni Sen. Go na unahin na lamang ang may gusto na sumabak sa pagka-pangulo pero dapat ang kasing-timbang ni Pangulong Duterte upang maipagpatuloy ang inaasam-asam na pagbabago.

Facebook Comments