Walang gagawing pag-aresto sa mga mahuhuling walang suot na face mask at face shield.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, matapos ang pagde-deploy ng mga social distancing patrollers at Santa Cops sa mga matataong lugar.
Ayon kay Sinas, nagbigay na siya ng direktiba sa kaniyang mga tauhan na hindi na nila kailangang mang-aresto kung mga simpleng paglabag din lang sa mga health protocols gaya ng hindi tamang pagsusuot ng mask at face shield kundi pagsabihan na lang ang mga ito.
Kung wala aniyang mask at face shield ay bigyan na lang ang mga ito ng mga pulis.
Naniniwala si PNP Chief na susunod naman ang mga tao kung kakausapin ng maayos ng mga pulis sa pagsunod sa simpleng health protocols sa halip na agad na arestuhin.