Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga hindi pa nakatanggap ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccines na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan par sa rescheduling.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa siyam na porsyento lamang ng vaccine recipients ang hindi nakasipot para sa kanilang second doses.
Binanggit ng kalihim ang mga dahilan kung bakit may ilang vacinees ang hindi nakapunta para sa kanilang second dose, kabilang na ang pagkakaroon ng sakit, may emergency, o may importanteng lakad.
Mahalagang makumpleto ang dose ng COVID-19 vaccines para matiyak nag full protection laban sa sakit.
Dahil limitado ang bakuna, hinimok ng DOH ang mga local government units (LGUs) na iprayoridad ang 40 hanggang 59 years old na kabilang sa A4 group.
Dapat aniya unahin ang naturang age group bago bakunahan ang edad 18 hanggang 39 taong gulang.