Galvez, aminadong bumagal ang COVID-19 vaccination bunga ng mababang supply; supply agreement sa Pfizer, isinasapinal

50

Bumaba ang seven-day moving average ng bilang ng mga nababakunahan laban sa COVID-19 kada araw dahil sa mababang supply ng bakuna.

Pero sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na inaasahang makakabawi ngayong linggo dahil sa pagdating ng 10 million doses ngayong buwan.


Dagdag pa ni Galvez, magkakaroon ang pamahalaan ng supply agreement sa Pfizer at kapag naisapinal ito, aabot sa 40 million doses ang ipapadala sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang seven-day moving average ay nasa 112,621.

Facebook Comments