Ayon kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, kung hindi pumasa sa final screening ng naturang programa ay maaari pa rin mag-apply at tatanggapin pa rin ito ng City Agriculture Office.
Bukas din aniya ang Farmers Internship Program para sa mga gustong mag-apply basta pasok sa mga qualifications na dapat ay isang magsasaka o may karanasan sa pagsasaka, may pamilya o anak, at may edad 30 to 40 years old.
Ayon pa kay Engr. Alonzo, hindi kasi aniya naabot ng Lungsod ng Cauayan ang target nito na isang libong magsasaka na makukuha sana para sa naturang programa na kung saan ay nasa 341 lamang ang pumasa na binubuo ng 222 na kalalakihan at 119 na kababaihan.
Sa pamamagitan ng inaasahang susunod na batch ng screening ay mabibigyan pa ng pagkakataon ang iba pang gustong magtrabaho sa South Korea bilang isang magsasaka.
Kaugnay nito, hintayin lamang aniya ang anunsyo ng Isabela Provincial Information Office at ng City Agriculture Office sa Facebook para malaman ang eksaktong petsa ng second batch na screening ng naturang programa.