Hindi na ulit papapasukin sa mga mall para makapag-dine in ang mga indibidwal na hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ang hakbang ay kasunod ng ulat na isang 2-year-old na batang lalaki ang nagpositibo sa virus ilang araw matapos mamasyal sa mall.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa entrance pa lamang ng mga restaurant ay hahanapan na ng vaccination card ang mga papasok.
Samantala, nagbabala rin ang DILG Sa mga establisyimento na sususpendihin ang kanilang business permit at “safety seal” kapag napatunayang hindi sumusunod na minimum public health protocols.
Sabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, nakakatanggap sila ng mga sumbong na ilang negosyo ang lumalampas sa operating capacity limit at nagpapapasok ng mga hindi pa bakunado.
Kaugnay nito, inatasan din ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan at mga pulis na magsagawang inspeksyon sa mga establisyimento para masigurong sumusunod ang mga ito sa COVID-19 policies.