Mas malaki ang tsansa na makahawa at maglabas ng bagong variant ng virus ang mga hindi pa bakunado na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Infectious Disease Specialist Doctor Edsel Salvana, mas malaki rin ang tiyansa na masawi ang hindi bakunado dahil posible itong makaranas ng malalang sintomas ng sakit.
Dagdag pa ng eksperto na mas mabilis ang paghawa ng virus sa isang taong unvaccinated kung saan mas mataas ang tyansa na maglabas ito ng mga mutations at bagong variant.
Matatandaang nagpatupad ang gobyerno ng mga patakaran sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal para maiwasan ang hawaan ng naturang sakit.
Facebook Comments