Mga hindi pa na-claim na SAP sa Pasay, ihahatid sa kanilang mga bahay ng mga kawani ng City Hall

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng 8,000 na tulong pinansyal sa mga kwalipikadong residente ng Pasay sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Pinangangasiwaan ito ng Department of Social Welfare and Development at Pasay Social Welfare and Development Department PSWDD.

Kabuuang 46,286 pamilya sa Pasay ang nakalistang benepisyaryo ng SAP.


Sa naunang mga batch ng distribusyon ay mayroong 191 pamilya ang hindi pa na-claim ang kanilang ayuda.

Kaugnay nito ay ini-utos ni Mayor Emi Calixto-Rubiano kina City Treasurer’s Office (CTO) Head Manuel Leycano Jr. at PSWDD Head Rosalinda Orobia na ihatid sa kanila mismong mga bahay ng mga kawani ng City Hall ang nabanggit na ayuda.

Sa ngayon ay pumalo na sa 223 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, kung saan 59 na sa mga ito ang nakarecover at 21 naman ang nasawi.

14 naman ang suspected cases at 805 ang probable COVID-19 cases sa nabanggit na lungsod.

Facebook Comments