Target ng pamahalaan na masimulan ngayong linggo ang pagbibigay ng booster shot sa mga edad 18 pataas na anim na buwan mula nang maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Sabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, maaari na itong simulan ngayong tapos na ang 3-day national vaccination drive.
Aniya, hinihintay na lamang matapos ang guidelines para rito.
Kasabay nito, tiniyak ni Domingo na may sapat na suplay ng COVID-19 vaccines para sa pagbibigay ng booster shot sa adult population habang nagpapatuloy ang pagtuturok ng 1st at 2nd dose sa mga hindi pa nababakunahan.
Dagdag niya, prayoridad pa rin ang mga hindi pa nababakunahan.
November 17 nang simulan ang pagtuturok ng booster dose sa mga medical frontliner habang November 22 sa mga senior citizen at may comorbidity.