Pinayagan na ng Iranian Authority na gumamit ng cellphones ang 18 Pinoy seafarers na kasalukuyang bihag pa rin ngayon sa Iran.
Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga tripulante na makausap ang kanilang pamilya na nasa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maayos naman ang pagtrato ng mga awtoridad ng Iran sa mga nasabing Pinoy at tiniyak ang kanilang kaligtasan.
Paliwanag ng Iranian authorities, kailangan pa rin kasing may mag-alaga sa barko kahit na naka-angkla ito sa daungan kung kaya dapat na manatili pa rin ang mga seafarer.
Kung wala umano kasing tripulante ay maaaring masira ang makina ng barko kahit hindi ito naglalayag.
Kaya naman nais ng bansang Iran na mayroon munang papalit sa mga crew bago sila palayain.
Facebook Comments