Nagpaalala ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) sa publiko na agad dalhin sa mga ospital ang mga hinihilang kaso ng monkeypox para sa wastong paggamot.
Ayon kay PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano, hindi maaaring sa bahay lang mag-isolate ang mga ito dahil baka pagmulan ito ng mas maraming kaso.
Aniya, ang mga ospital ay mayroong nakalaang isolation areas para sa mga kaso ng monkeypox na bukod sa COVID-19 ward.
Tiniyak naman ni De Grano na handa ang mga ospital sakaling dumami ang kaso ng monkeypox sa bansa.
Facebook Comments