PNP, pinayuhan ang pamilya Furigay na huwag munang bumalik sa Lamitan, Basilan kasunod ng pagpatay sa ama ni Dr. Chao Tiao Yumol

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang pamilya Furigay na huwag munang bumalik sa Lamitan City, Basilan.

Kasunod ito ng pagpatay sa ama ni Dr. Chao Tiao Yumol na suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay PNP BARMM Director Arthur Cabalona, layon nitong maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari dahil sariwa pa ang pamamamaril kay Rolando Yumol kahapon.


Aniya, kultura na kasi sa Lamitan ang gantihan kaya kanilang pinipigilan na maulit pa ang mga ganitong klaseng insidente.

Samantala, binigyan na rin ng PNP ng seguridad ang pamilya Yumol na umalis na sa kanilang tahanan sa Lamitan bilang bahagi naman ng kanilang seguridad.

Facebook Comments