Nabigyan ng mga alagang baboy ang mga 47 na hog raisers na apektado ng ASF na nagmula sa lokal na pamahalaan ng San Carlos.
Ang nasabing programa ay bahagi ng ASF Sentineling Program at Livestock Banner Program ng Department of Agriculture na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos upang makapagsimula muli ang mga apektadong hog raisers na dulot ng nagdaang ASF Outbreak.
Nasa 94 naman na mga baboy ang naipamahagi sa mga benepisyaryo at ito na ay ang ikatlong batch nang pagbibigay ng mga baboy.
Bago pa ipamigay ang mga baboy ay isinailalim muna ang mga ito sa blood sampling at patuloy ang monitoring sa loob ng 40 days.
Patuloy pa rin sa pag-aaral ang lokal na pamahalaan ng San Carlos sa mga maaari pang hakbang sa pagtulong ng mga hog raisers ng siyudad. | ifmnews
Facebook Comments