Mga housing project ng gobyerno, titiyakin ni PBBM na malapit sa palengke, eskwelahan at ospital; samahan ng tricycle drivers at operators, makikinabang ng housing project sa Quezon City

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ikinokonsidera sa pagpili ng lokasyon sa pagtatayo ng mga housing project ng gobyerno o ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing o ang 4PH Program ay dapat malapit sa amenities gaya ng eskwelahan, palengke at ospital maging malapit sa economic opportunities, government services at social activities.

Ang pahayag na ito ay ginawa nang pangulo sa pagdalo ngayong araw sa groundbreaking ceremony ng Phase 1 Batasan Development and Urban Renewal Plan na bahagi ng 4PH Program.

Ayon kay Marcos, sa proyektong ito mahalaga ang commitment ng mga opisyal at tauhan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na silang nangunguna sa flagship housing program.


Habang importante rin ang papel na ginagampanan ng mga local government official dahil tumutulong sila sa paghahanap ng lugar kung saan itatayo ang mga pabahay at mayroon ring financial support.

Kaya naman nagpapasalamat ang pangulo sa Quezon City Local Government dahil paglalaan ng ng lugar para sa housing project ng pamahaalan sa kanilang lungsod.

Sa pamamagitan ng Phase 1 Batasan Development and Urban Renewal Plan magtatayo ang gobyermo ng dalawang matataas na gusali sa Quezon City na mayroong mahigit 200 units para ipamahagi sa mga miyembro ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Associations o BATODA at kanilang pamilya.

Kaya ang pinaka-ground floor aniya ng gusali at magiging tricycle terminal.

Maka-access din daw ang mga titira sa gusali sa palengke, eskwelahan ospital at iba pang mahahalagang gusali na makatutulong sa mga ito.

Facebook Comments