Mga humaharang sa canvassing of votes at proclamation ng nanalong pangulo at ikalawang pangulo, pinayuhan ng isang senador na dumulog sa Presidential Electoral Tribunal

Kahit may nakabinbing mga petisyon sa Korte Supreme ay itutuloy ng Senado ang pagtupad sa tungkulin nito na magsagawa ng canvassing ng boto para sa pangulo at ikalawang pangulo at ideklara kung sino ang nanalo.

Inihayag ito ni Senator Francis Tolentino, kasabay ng pagbibigay-diin na ang nabanggit na tungkulin ay itinatakda ng ating konstitusyon na dapat nilang tuparin.

Bunsod nito ay pinapayuhan ni Tolentino ang mga humahadlang na gampanan nila ang nabanggit na trabaho na dumulog na lang sa Presidential Electoral Tribunal na binubuo ng Senado at Kataas-Taasang Hukuman.


Sabi ni Tolentino, ganito ang disenyo ng ating konstitusyon na kailangang masunod hanggang sa susunod na henerasyon.

Paliwanag pa ni Tolentino, ang pasya ng mamamayang Pilipino sa nagdaang eleksyon ay hindi umiikot sa eligibility ng nananalong kandidato kundi sa kung sino ang nais nilang mamuno sa ating bansa.

Paalala pa ni Tolentino, ang tinig ng taumbayan ay ang siyang tinig Diyos.

Facebook Comments