Mga humahawak ng diplomatic post sa DFA, inutusan ni PBBM na tulungan ang OFWs na nawalan ng trabaho

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga taga-Department of Foreign Affairs o DFA na humahawak ng diplomatic post na ibigay ang kailangang tulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng hanapbuhay.

Kabilang sa direktiba ng pangulo sa DFA ay makipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) para matiyak na tutugon ang kanilang mga tauhan na may hinahawakang diplomatic posts.

Samantala, pinatitiyak din ng pangulo ang agarang aksiyon para sa OFWs na nahaharap sa abuso o panganib.


Ito’y sa pamamagitan ng paglulunsad ng tinatawag na One Repatriation Command Center o ORCC.

Kaugnay nito’y inihayag ni Pangulong Marcos Jr., na isang social media platform at hotline na ima-manage ng DMW ang tutugon sa mga nangangailangang OFW.

Facebook Comments